Happy Birthday Edward!
Kahit sobrang DISASTER ng birthday mo, masaya pa din!
Wala kasing handa (akala mo naman kung sino akong may handa no?), parang pinapili ata sya between field trip or birthday bash. Kaya pinili nya ung fieldtrip, at hindi naman daw siya tulad ni maricris na ginastos ang sweldo sa paluwagan para maghanda.
Pero MAGKAKARON sana ng DVD Marathon kila Ella. Kaya nagrent ng VCDs (akala ko ba DVD marathon?) at bumili ng snacks. Medyo madami kami kaya ang sikip sa bahay nila Ella at naubos ang mga snacks within 3 minutes!
Pero ang disaster talaga ay ang mismong "film viewing", SIRA ANG TV!!!! Saan ka naman nakakita ng ganun? ahaha! Namamatay ang TV ni ella, at dumating sa point na parang pasyente sa ospital na hindi na ito nai-revive.
Nagbalak din na lumipat ng bahay, kila Resyel or Evangeline. Pero malas talaga.
Kaya nagkainan na lang ng Pastillas ni Ella na SOBRANG sarap!!! Hindi ko alam kung gutom lang talaga kami o nasuya na sa "yema balls" ni Maricris! Pero masarap talaga, parang naka-isang DAKOT ata ako!
Tapos nung nag-uwian na (wala pa yata kaming one hour dun, naka-isang trailer nga lang kami! wala pa sa pinaka-movie nung nagcollapse ang tv), kumain(?) naman ako ng "glowing lollipop" ni Aiko.
Resulta..............SUGAR HIGH!!!!
Hindi ko alam kung LEGAL pang magkaron ng sugar high sa edad ko. Pero sobrang ecstatic talaga ng feeling ko, HAGIKGIK yung tawa ko, tapos parang nahihilo pa! heaven!
Happy Birthday na lang ulit Edward Jenner Cunanan! Best Wishes sa inyo ni Anjennete aka Anjenner! Sana magkaron kayo ng matamis na love life at daan-daang mga anak!!! Malaki naman yung mansion mo e! Kasya dalawang soccer field dun!
Hindi ko makakalimutan yang mansion mo, sobrang daming unforgettable moments jan. KUZCO!
=-=-=-=-=-=
Off Topic:
Make YOUR BLOG famous! "we" are sooo following yours!
Thursday, October 15, 2009
Sugar High: Happy Birthday Edward
2009-10-15T20:10:00+08:00
gian mercado
Birthday|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



